6.11.2011

fb

Two months ago, nagpapa-add nanay ko sa facebook nagulat ako pano naman mangyayari yun, haler? e ni hindi nga yun marunong magdotdot ng celfon receive kol lang alam nyang pindutin,computer pa kaya?

Kanina pagdating ng isa kong kasama galing sa work, naghihimutok sa galit habang hawak-hawak ang kanyang roaming phone. Ganun na kami dito pagkagaling sa work tseni-tsek namin lage mga fon baka may nag-txt o kaya nagmiskol (bawal kasi magdala ng fon sa worksite). Tinanong ko sya kung anung problema "si inang ko,chat daw kami mamaya sa fb may account na din daw sya" anu problema dun? sabi ko "e ang tanda tanda na papisbok-pisbok pa, baka kung anu nalang isipin ng mga tao samin nakakahiya, hindi ko na lang sana binigyan ng laptop " Parang gusto kung tumawa pagkasabi niya ng ganun kasi parang ganun din pakiramdam ko dati, hindi ko lang masabi sa kanya. Tinanong ko nalang sya "bakit ilang taon na ba nanay mo?" 50+ na daw "e bata pa pala nanay mo sabi ko, nanay ko kaya meron din senior citizen na yun ah' "ows?" sabi nya pero mahinahon na. Oo meron isa siguro sa mga kapatid ko ang gumawa tugon ko ulit. Mayamaya pa lumabas din isa naming ka roomate galing sa higaan nya, "ikaw Nad baka may fb din nanay mo?" "A wala, lola ko a meron" Sabay pa kaming tumawa ni Jolas ng malakas sabay sabi "mas sosyal na naman pala yung lola mo"

Yung komersyal nga dati sa t.v di ba yung lola nakikipag online game pa sa mga apo nyang nasa ibang bansa.

Kung minsan mas concerned pa natin yung sasabihin ng iba kesa yung ikaliligaya natin at ng mga mahal natin sa buhay. Wala namang age limit ang pagkakaroon ng fb account basta ba kaya lang, maliban yung mga under age, pero nadadaya din yung birth date. Basta wala tayong natatapakan. Hayaan natin kung anu man ang sabihin ng iba, may mga tao talagang ganyan basta may masabi lang. Mamatay sila sa inggit hehehe! happy weekend.....",)