Two months ago, nagpapa-add nanay ko sa facebook nagulat ako pano naman mangyayari yun, haler? e ni hindi nga yun marunong magdotdot ng celfon receive kol lang alam nyang pindutin,computer pa kaya?
Kanina pagdating ng isa kong kasama galing sa work, naghihimutok sa galit habang hawak-hawak ang kanyang roaming phone. Ganun na kami dito pagkagaling sa work tseni-tsek namin lage mga fon baka may nag-txt o kaya nagmiskol (bawal kasi magdala ng fon sa worksite). Tinanong ko sya kung anung problema "si inang ko,chat daw kami mamaya sa fb may account na din daw sya" anu problema dun? sabi ko "e ang tanda tanda na papisbok-pisbok pa, baka kung anu nalang isipin ng mga tao samin nakakahiya, hindi ko na lang sana binigyan ng laptop " Parang gusto kung tumawa pagkasabi niya ng ganun kasi parang ganun din pakiramdam ko dati, hindi ko lang masabi sa kanya. Tinanong ko nalang sya "bakit ilang taon na ba nanay mo?" 50+ na daw "e bata pa pala nanay mo sabi ko, nanay ko kaya meron din senior citizen na yun ah' "ows?" sabi nya pero mahinahon na. Oo meron isa siguro sa mga kapatid ko ang gumawa tugon ko ulit. Mayamaya pa lumabas din isa naming ka roomate galing sa higaan nya, "ikaw Nad baka may fb din nanay mo?" "A wala, lola ko a meron" Sabay pa kaming tumawa ni Jolas ng malakas sabay sabi "mas sosyal na naman pala yung lola mo"
Yung komersyal nga dati sa t.v di ba yung lola nakikipag online game pa sa mga apo nyang nasa ibang bansa.
Kung minsan mas concerned pa natin yung sasabihin ng iba kesa yung ikaliligaya natin at ng mga mahal natin sa buhay. Wala namang age limit ang pagkakaroon ng fb account basta ba kaya lang, maliban yung mga under age, pero nadadaya din yung birth date. Basta wala tayong natatapakan. Hayaan natin kung anu man ang sabihin ng iba, may mga tao talagang ganyan basta may masabi lang. Mamatay sila sa inggit hehehe! happy weekend.....",)
6.11.2011
5.28.2011
A panda inspires my day
Sabado na naman, (last time i guess homesickness hits me bigtime,that i even cried myself to sleep hehe) after six days of work it is the time for me to rest/relax. Woke-up late as usual, medyo masakit ulo ko hang-over marahil dahil may inuman kagabi.Timpla ng kape habang nagyoyosi cleaned the room after. (sigh) Life here (ibang bansa) is so routinary as you eloquently describe,sometimes it can irritate the hell out of you. Hindi madali ang buhay di gaya ng sa pinas na may gagawa ng mga bagay bagay at magsisilbi sayo.
Huh! i'll know better than to mope in this little corner and be indifferent of everything. Salamat at meron ng computer hindi ko na kelangan pang lumabas to watch/rent movies. And this movie really inspires my day (panda2) dapat siguro mapanood mo muna yung (first part) para mas maintindihan flow ng story. Ang kwento ay tungkol sa isang panda syempre named PO, na nangarap maging kungfu master. Napanood ko siguro part1 2yrs ago and this lines inspired me then "to make it something special you just have to believe it is special" its about the secret of the secret ingredient of the soup PO's father selling. You know whats the secret was? I guess you have to watch the movie to fully understand what am i saying. Itong part2 mas maganda syempre mas maraming fun, action, adventures, word of encouragement and lessons na pwede nating magamit to achieve our goals/dream in life.
"Your story made not have such a happy beginning, but that doesn't make you who you are. It is the rest of your story who you choose to be." Some lines in the movie. Kung minsan kailangan natin ng kunting tulak para umusad a words of encouragement maybe or a cheer perhaps. We all have purpose in life, as what they say, there is no accident without value everything happens for a reason.
...Until then happy week-end!.
Huh! i'll know better than to mope in this little corner and be indifferent of everything. Salamat at meron ng computer hindi ko na kelangan pang lumabas to watch/rent movies. And this movie really inspires my day (panda2) dapat siguro mapanood mo muna yung (first part) para mas maintindihan flow ng story. Ang kwento ay tungkol sa isang panda syempre named PO, na nangarap maging kungfu master. Napanood ko siguro part1 2yrs ago and this lines inspired me then "to make it something special you just have to believe it is special" its about the secret of the secret ingredient of the soup PO's father selling. You know whats the secret was? I guess you have to watch the movie to fully understand what am i saying. Itong part2 mas maganda syempre mas maraming fun, action, adventures, word of encouragement and lessons na pwede nating magamit to achieve our goals/dream in life.
"Your story made not have such a happy beginning, but that doesn't make you who you are. It is the rest of your story who you choose to be." Some lines in the movie. Kung minsan kailangan natin ng kunting tulak para umusad a words of encouragement maybe or a cheer perhaps. We all have purpose in life, as what they say, there is no accident without value everything happens for a reason.
...Until then happy week-end!.
5.14.2011
...........T.G.I.S
I'm at this point again when nothing seems to mean anything and my only companion is boredom.
Is this midlife crisis? 'Hope not... Homesickness? Don't think so either. Played alll my games in fb, napanood ko na din paborito kong movie pag nakakaramdam ng lungkot, (Dodgeball) pero wa-epek parin.
Para akong nasa loob ng kahon na may paulit-ulit na indak ng sayaw.
Pagkatapos ng anim na araw sa trabaho, isang araw na pahinga trabaho ulit bukas. Ayaw dumalaw ang antok ano ba yan.
Parang ang sarap pumunta sa dagat, to look at the sun rise or sunset. Lumanghap ng sariwang hangin sa bundok habang nakikinig sa mga huni ng ibon. Makinig ng kwento from my mom (tsismis).
Gusto kung mapanood yung carabao race, piyesta kasi ngayon sa amin, as main event of all games.
Gusto ko din sumali dun balang araw.
Gusto kung isama nanay ko kumain sa labas at mag-grocery para turuan pano mag-tipid.
That definitely will change everything...
Perhaps, I am just missing panget. But as it is, I am miles away and a stranger in this place. I have not come to terms with the fact that this will be my home for awhile.
'Till then, let me keep to myself in this little corner I call my own.
Is this midlife crisis? 'Hope not... Homesickness? Don't think so either. Played alll my games in fb, napanood ko na din paborito kong movie pag nakakaramdam ng lungkot, (Dodgeball) pero wa-epek parin.
Para akong nasa loob ng kahon na may paulit-ulit na indak ng sayaw.
Pagkatapos ng anim na araw sa trabaho, isang araw na pahinga trabaho ulit bukas. Ayaw dumalaw ang antok ano ba yan.
Parang ang sarap pumunta sa dagat, to look at the sun rise or sunset. Lumanghap ng sariwang hangin sa bundok habang nakikinig sa mga huni ng ibon. Makinig ng kwento from my mom (tsismis).
Gusto kung mapanood yung carabao race, piyesta kasi ngayon sa amin, as main event of all games.
Gusto ko din sumali dun balang araw.
Gusto kung isama nanay ko kumain sa labas at mag-grocery para turuan pano mag-tipid.
That definitely will change everything...
Perhaps, I am just missing panget. But as it is, I am miles away and a stranger in this place. I have not come to terms with the fact that this will be my home for awhile.
'Till then, let me keep to myself in this little corner I call my own.
5.07.2011
--FIRST TAYM--(Part 2)
Maya-maya pa, may isang babae na may dala-dalang pagkain (actually marami silang namimigay) at kung hindi ako nagkakamali siya din yung babae na nagturo kung saan yung pwesto ng upuan namin kanin. Aha! sila pala yung mga tinatawag na stewardess, akala ko pa naman dati kung anung trabaho ng mga stewardess kasi kelangan daw mataas, sexy, at maganda. Ang ibig lang palang sabihin ng stewardess ay serbidora ngayun alam ko na, wala din palang pinag-iba sa waitress sa isang restoran. Mas sosyal nga lang siguro sila kasi nga sa eroplano sila at balita ko malaki daw yata sahod. "Sakto nagugutom nako" sabi ko kay Jun habang inu-usisa kung anu ang lamang pagkain ang nasa loob ng lalagyan. Kunting kanin, kapirasong karne, kunting gulay, at may maliit na tinapay desert siguro to sabi ko dahil mukhang matamis ang itsura ng tinapay. Mayron na ding tubig na nakalagay sa isang maliit na disposable cup na selyado tapos may maliit na straw. Ito lang siguro ang wala sa loob ng bus, pero meron din naman kapag nagugutom ang driver tumitigil sila sa isang restoran. Ilang sandali pa, may nagsalita na naman "lapit na tayo pre" sabi ni jun.
Pagkalabas ng eroplano sinalubong kami ng mga kinatawan ng DOLE at dinala lahat kami sa isang tabi at marami silang mga pinaliwanag. Wala nga akong naintindihan sa mga sinabi nila kasi kung saan-saan nako tumitingin, malawak ang lugar,maganda,malinis,at maraming tao. Kung sa pinas maraming pinoy, dito maraming tsekwa ahehe. mabilis ang proseso ng paglabas. Pagdating sa labas (wow ang lamig grabe) isinakay kami sa bus deretso daw muna sa ospital para sa medical ulit. Dalawang oras na byahe bago namin narating ang lugar, pinababa kaming lahat tapos dinala sa parang isang warehouse na malapit sa ospital. Dun daw muna kami magpapalipas ng gabi, pinaiwan ang mga gamit namin tapos lumakad papuntang ospital. Pagkatapos nga ng medical balik kami ulit sa pinag-iwanan ng mga gamit kung saan dun daw kami magpapalipas ng magdamag. malaki ang lugar isang malaking kwarto tapos maraming nakalatag na comforter sa sahig, kasya siguro kahit isandaan na katao. Ganun din siguro sa kabila na para naman sa mga babae.
Kwentuhan muna kami sa labas na magkaka-batch dahil medyo maaga pa naman habang naninigarilyo, kasama ibang mga pinoy na dun din magpapalipas ng gabi. Mga bandang alas otso may mga dumating na naman na grupo ng mga OFW, isang bus sila ulit halo-halo may mga pinoy, indonesians,at mga vietnamis na akala nung una mga executives. Sabi ni jun "vietnamis mga yan" kasi ba naman naka korbata lahat sila tapos nakaporpolyo pa. Ganun daw talaga sila kung pomorma.
Napansin ko medyo ilang sila sa mga pinoy, takot daw sila sabi ni Jun kasi kilala nila si Manny Pacquiao na magaling sa boxing. Kaya ganun nalang siguro ang takot nila pag nalaman nilang pinoy ka.
Napansin ko medyo ilang sila sa mga pinoy, takot daw sila sabi ni Jun kasi kilala nila si Manny Pacquiao na magaling sa boxing. Kaya ganun nalang siguro ang takot nila pag nalaman nilang pinoy ka.
Nang matapos ang kwentuhan nagpasya na kaming pumasok sa loob para makapag-pahinga na din, tsaka mahirap ng tiisin ang lamig sa labas. Pagpasok namin ng kwarto yung iba tulog na,may nagkukwentuhan habang nakahiga. Pumuwesto na din kami sa kung saan nakalagay mga gamit namin kanina. Tabi-tabi kaming apat na magkakahelera. Mag-aalasdiyes na hindi parin ako makatulog, yung mga kasama ko tulog na. Naninibago lang siguro kasi sa unang pagkakataon na hindi ako matutulog sa sarili kung unan, iniisip ko tuloy kung sino-sino ng gumamit ng mga unan at mga kumot dun. Hindi naman ako maarte pero iba talaga ang amoy sa loob, ang dami ba namang mga paa na maghapon nakasapatos tapos hindi man lang nakapaghugas bago matulog. Nagpasya akung kumuha ng isa sa mga dala kung damit sa bag at yun ang ginawa kung sapin sa unan. Kumuha pako ng isa at tinakip ko naman sa mukha ko, nakatulog ako siguro bandang als dose na ng umaga. Hanggang sa muli...
P.S Good luck nga pala kay Manny may laban uli sya bukas, naway makapag-uwing muli ng karangalan para sa ating mga pinoy at sa ating bansa.
4.26.2011
--FIRST TAYM--
"Nakasakay na ba tatay mo sa eroplano? Papa ko nakasakay na! Beh!" sabay singhot sa maka-ilang ulit ng pabalik balik na sipon. Bagong dating lang yata kasi papa niya galing Saudi.
Madalas ganyan ang eksena sa palaruan nung mga bata pa kami, minsan pa nga may magtatanong..."Nakakain ka na ba ng ganito?...Nakasakay ka na ba sa ganun?"
Ako naman tahimik lang, ni hindi ko nga alam mga pinagsasabi nila. Ayos na sakin mga takip ng mga softdrinks na laruan. Samantalang sila may robot na laruan.
Sabi kasi ng lola ko wag makialam sa gamit ng iba baka masira wala daw pambabayad. Lumaki nga pala ako sa mga lola ko, bale sila ang nagturo sakin kung alin ang tama sa mali. Konserbatibo masyado palibhasa mga matatandang dalaga. Kaya naman sa murang edad marunong na akong makuntento kung anung meron ako.
Pero sa loob-loob ko makakatikim din ako niyan, magkakaroon din ako ng ganyan, at makakasakay din ako diyan. Pangarap na pala ang tawag dun.
"Pre, sama ka puntahan natin yung ahensya na sinabi ng kapatid ko tanggapan daw ngayon". Isang umaga habang nakapila kami sa terminal antay ng mga pasahero.
"Walang mangyayari satin dito ang tumal na ng byahe, pataas pa ng pataas ang gasolina. Naiinip nako dito gusto ko na uling umalis". Naka-ilang beses na din kasi siyang nangibang bansa.
"Kelan?" tanong ko "Ikaw, kung kelan ka pwede!" sagot niya.
"Gusto mo ngayon na"?
"Sige isang byahe nalang ako tapos magkita tayo dito ng alas nueve". Pagkasabi niya ng ganun sumakay agad ako sa motor ko sabay harurot pauwi para magbihis. Habang nasa daan naisip ko "Paanu nga pala yun paso na lahat mga dokomento ko, pati pasaporte ko paso na din" kung ilang taon, hindi ko na din maalala. Basta kumuha lang ako dati. "Ahh basta, bahala na!" sa loob-loob ko.
Pagdating sa lugar medyo marami ng tao sa labas, limang palapag na gusali pala ang ahensyang yun. Nagtanong kami sa gwardya, binigay yung dereksyon ng pupuntahan namin. Sa ikatlong palapag pa pala iyon.
Pagdating sa taas, medyo mahaba na ang pila ng mga aplikante nahirapan pa kasi kaming hanapin yung lugar kaya medyo tinanghali kami ng dating. Sumunod nalang kami sa pinaka dulo ng pila, limahan pala ang pasok sa loob ng opisina kaya mabilis ang pila.
"Saan po yung mga dokumento nyo sir?" Sabi nung naka-upo sa lamesa nung ako na ang naka-salang. "Meron akong dala pero paso na po lahat" sagot ko. "ok, paki fill-up nalang po ito sir" sabay abot ng isang piraso ng papel. Nagbigay naman nako ng ganun (resume) pero meron din pala silang sarili pa.
Nung matapos, ok na daw tatawag nalang daw sila. Hayss, ganun lang pala ang proseso ng paga-apply papuntang ibang bansa. Ano naman ang malay ko dun eh sa firstaym ko lang maranasan, tapos biglaan pa. Ang sabi lang naman ng kumpare ko "Basta sumama ka!"
"Anong sabi sa 'yo 'pre?" habang naglalakad na kami papuntang sakayan pabalik na sa amin. "Tatawagan nalang daw ako 'pre " sagot ko. Tinanong nya kung may pasaporte nako sabi ko meron na kaya nga lang paso na. "Dapat ayusin mo na yun pre malay mo" sabi nya ulit. "Sige pre bukas ng maaga punta ako sa DFA ayusin ko na" ganun nga ang nangyari...
Makaraan ang dalawang lingo tumawag na nga yung ahensya na inaplayan namin, mag-report daw ako tapos magdala na ng mga dokomento anytime this week ang sabi. Sakto sabi ko, pagkakuha ko ng pasaporte ko sabay daan na din dun sa ahensya para isang lakad na lang.
Masyado ng mabilis ang mga sumunod na pangyayari, pagkatapos ng final interview sa webcam, medical, etc... May schedule na ng alis.
Eto na yun' sabi ko sa sarili ko, sa wakas mararanasan ko na din sumakay ng eroplano hahaha!
Sa airport may tinakdang lugar kung saan kami magkikitakita ng mga kasamahan kong aalis din. Sa kasamaang palad nga pala yung kumpare ko na nagsama sakin dati ay hindi natanggap gawa ng lagpas na daw sya sa edad. Gayun pa man nagpasalamat pa din ako sa kanya, kung hindi dahil sa kanya malamang na wala ako ngayun dito.
Ang sabi nya sakin dati "Naaawa kasi ako sayo 'pre sayang ka, isa pa naging mabait ka sakin dati nung bago palang ako dito. Wag kang mag alala sakin susunod din ako dun.Kung hindi man susubukan ko sa iba" wika nya.
Parang gusto kong umiyak that time kasi napaka-buti nya sakin. Bago pa magka-iyakan, di eto na dumating nako dun sa tagpuan ang sabi ng taga ahensya na maghahatid sa amin kulang pa daw ng dalawa bale apat daw kaming lahat. Nung makumpleto, pakilala pakilala muna sa isat-isa si Jun (di tunay na pangalan) ay dati ng galing dun sa pupuntahan namin ibang kompanya nga lang, kaya naman siya ang bida. Lahat kami sa kanya nagtatanong habang naglalakad papasok na ng airport. Siya din ang nagsasabi kung saan ang susunod na pupuntahan dahil kabisado niya na. Sunod sunuran naman kaming lahat sa kanya.
Hanggang sa makapasok na nga kami sa loob ng eroplano. Malaki ang nasakyan naming eroplano kumpara dun sa ibang nakita ko na mga nakaparada kanina.
Ganito pala ang loob ng eroplano sa loob-loob ko parang nasa loob lang ng deluxe na bus mas marami nga lang upuan mas malapad tapos sa taas may lagayan ng mga gamit na katulad din sa bus, may maliit na monitor sa bawat likod ng mga upuan meron din sa bus pero isa nga lang centralize, may c.r sa loob sa bus diba meron din.
Maya-maya pa biglang may nagsalita siguro hudyat na yun para sabihing lilipad na. "Suot mo na seatbelt mo" sabi ni Jun na nasa tabi ko. Napatigil tuloy ako sa pagmamasid sa kung anong meron sa loob.
Nag umpisa na ngang umandar mabagal pa nung una hanggang sa bumibilis ng bumibilis hanggang sa tuluyang umangat sa lupa. Pinakikiramdaman ko ang bawat nangyayari unti-unti kaming tumataas hanggang sa makarating na kami sa ulap, tumataas pa, may ulap na naman siguro apat na ulap ang nilagpasan namin.
Ganun pala dun sa itaas,(sa loob-loob ko na naman) may mga level din pala ang mga ulap.
Subscribe to:
Posts (Atom)