Maya-maya pa, may isang babae na may dala-dalang pagkain (actually marami silang namimigay) at kung hindi ako nagkakamali siya din yung babae na nagturo kung saan yung pwesto ng upuan namin kanin. Aha! sila pala yung mga tinatawag na stewardess, akala ko pa naman dati kung anung trabaho ng mga stewardess kasi kelangan daw mataas, sexy, at maganda. Ang ibig lang palang sabihin ng stewardess ay serbidora ngayun alam ko na, wala din palang pinag-iba sa waitress sa isang restoran. Mas sosyal nga lang siguro sila kasi nga sa eroplano sila at balita ko malaki daw yata sahod. "Sakto nagugutom nako" sabi ko kay Jun habang inu-usisa kung anu ang lamang pagkain ang nasa loob ng lalagyan. Kunting kanin, kapirasong karne, kunting gulay, at may maliit na tinapay desert siguro to sabi ko dahil mukhang matamis ang itsura ng tinapay. Mayron na ding tubig na nakalagay sa isang maliit na disposable cup na selyado tapos may maliit na straw. Ito lang siguro ang wala sa loob ng bus, pero meron din naman kapag nagugutom ang driver tumitigil sila sa isang restoran. Ilang sandali pa, may nagsalita na naman "lapit na tayo pre" sabi ni jun.
Pagkalabas ng eroplano sinalubong kami ng mga kinatawan ng DOLE at dinala lahat kami sa isang tabi at marami silang mga pinaliwanag. Wala nga akong naintindihan sa mga sinabi nila kasi kung saan-saan nako tumitingin, malawak ang lugar,maganda,malinis,at maraming tao. Kung sa pinas maraming pinoy, dito maraming tsekwa ahehe. mabilis ang proseso ng paglabas. Pagdating sa labas (wow ang lamig grabe) isinakay kami sa bus deretso daw muna sa ospital para sa medical ulit. Dalawang oras na byahe bago namin narating ang lugar, pinababa kaming lahat tapos dinala sa parang isang warehouse na malapit sa ospital. Dun daw muna kami magpapalipas ng gabi, pinaiwan ang mga gamit namin tapos lumakad papuntang ospital. Pagkatapos nga ng medical balik kami ulit sa pinag-iwanan ng mga gamit kung saan dun daw kami magpapalipas ng magdamag. malaki ang lugar isang malaking kwarto tapos maraming nakalatag na comforter sa sahig, kasya siguro kahit isandaan na katao. Ganun din siguro sa kabila na para naman sa mga babae.
Kwentuhan muna kami sa labas na magkaka-batch dahil medyo maaga pa naman habang naninigarilyo, kasama ibang mga pinoy na dun din magpapalipas ng gabi. Mga bandang alas otso may mga dumating na naman na grupo ng mga OFW, isang bus sila ulit halo-halo may mga pinoy, indonesians,at mga vietnamis na akala nung una mga executives. Sabi ni jun "vietnamis mga yan" kasi ba naman naka korbata lahat sila tapos nakaporpolyo pa. Ganun daw talaga sila kung pomorma.
Napansin ko medyo ilang sila sa mga pinoy, takot daw sila sabi ni Jun kasi kilala nila si Manny Pacquiao na magaling sa boxing. Kaya ganun nalang siguro ang takot nila pag nalaman nilang pinoy ka.
Napansin ko medyo ilang sila sa mga pinoy, takot daw sila sabi ni Jun kasi kilala nila si Manny Pacquiao na magaling sa boxing. Kaya ganun nalang siguro ang takot nila pag nalaman nilang pinoy ka.
Nang matapos ang kwentuhan nagpasya na kaming pumasok sa loob para makapag-pahinga na din, tsaka mahirap ng tiisin ang lamig sa labas. Pagpasok namin ng kwarto yung iba tulog na,may nagkukwentuhan habang nakahiga. Pumuwesto na din kami sa kung saan nakalagay mga gamit namin kanina. Tabi-tabi kaming apat na magkakahelera. Mag-aalasdiyes na hindi parin ako makatulog, yung mga kasama ko tulog na. Naninibago lang siguro kasi sa unang pagkakataon na hindi ako matutulog sa sarili kung unan, iniisip ko tuloy kung sino-sino ng gumamit ng mga unan at mga kumot dun. Hindi naman ako maarte pero iba talaga ang amoy sa loob, ang dami ba namang mga paa na maghapon nakasapatos tapos hindi man lang nakapaghugas bago matulog. Nagpasya akung kumuha ng isa sa mga dala kung damit sa bag at yun ang ginawa kung sapin sa unan. Kumuha pako ng isa at tinakip ko naman sa mukha ko, nakatulog ako siguro bandang als dose na ng umaga. Hanggang sa muli...
P.S Good luck nga pala kay Manny may laban uli sya bukas, naway makapag-uwing muli ng karangalan para sa ating mga pinoy at sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment